Thursday, June 13, 2024

Sumisigaw

Naiiba sa pagkakalathala,
Pero malamang ay iyong napuna
Na iisa lamang ang nilalaman,
Ng mga kwentong aking inilalahad

Ilang buwan na ang nakaraan,
Pero hindi kailanman pagsasawaan,
Ang pagsulat tungkol sa damdamin,
At mga hindi ko nasabing saloobin

Pasensya ka na kung ako'y mejo nainis,
Dahil tila ako ay iyong nililitis,
Kaya naman nang akoy' iyong tanungin,
Ang sagot ko'y "kailangan pa bang sabihin?"

Hindi ko man nasabi na "mahal kita"
Iyo namang naramdaman at nakumpirma,
Sapagkat ang puso ko'y isinisigaw nang malakas,
Ang mga salitang hindi ko mabigkas.

Hindi ba, "Actions speak louder than words"?

No comments:

Post a Comment