Monday, December 4, 2023

Heto Na Naman

Heto Na Naman
Ang pagod na hindi naiibsan
Hindi naidadaan sa tulog
O sa kung ano pa man

Pagod na ang buo kong pagkatao
Sa dami ng pagsubok na kinakaharap
Oras ay di sapat, kulang ang bente quatro
Pwede na bang isuko ang pangarap?

Pilit bumabangon araw-araw para pumasok
Mabigat ang bawat buntong hininga
Mga responsibilidad mayamaya'y kumakatok
At bumubulong sa akin, "Bawal ang pahinga"

Ito na ba ang huling yugto?
Sapagkat kailan ba
Napunta sa umpisa
Ang pagsisisi?

No comments:

Post a Comment