Wednesday, November 29, 2023

Walang Sukat, Walang Direksyon at Walang Saysay

Iba ang dating
Ng mga bagay
Na nailikha
Nang dahil sa inspirasyon

Damang dama 
Ang bawat linya,
Eksena
At emosyon

At heto naman
Ang halimbawa
Ng tula
Na walang kulay
At walang buhay

Sapagkat
Pinipilit lamang
Na sumulat
at magsalaysay
ng mga kwentong may saysay

Sinubukang pumikit
At magisip
Ngunit
Ang lumabas
Ay mga
Ala-alang mapanakit

Paumanhin,
Kung sinayang ko
Ang iyong oras
Sa pagbasa nito

Ang tulang
Walang direksyon
Dahil wala na
Ang aking inspirasyon

No comments:

Post a Comment