Baka ikaw ay nalilito
Hindi ako ang nagsara nang pinto
Kung alam mo naman pala ang sagot
Bakit pa kinailangang tanungin?
Kailangan bang kumpirmahin?
Hindi ba't wala naman dapat magbabago
Kahit na malaman mo
Kung gaano kita noon kagusto?
Bakit mo ako nilagay sa alanganin
Bakit kinailangang paaminin
Tungkol sa damdaming
Kaya ko naman sanang kimkimin
Bakit kinailangang hukayin at halungkatin,
At hanguin mula sa pagkakabaon
Ang bagay na nilabanan ko nang ilang taon
Dahil ikaw ay ikaw
At sino ba naman ako
Isang taga hanga mo
Na nakatanaw sa iyo
Mula sa malayo
Habang ikaw ay nasa entablado't
Tumutugtog ng mga himig
Patungkol sa buhay at pag ibig
No comments:
Post a Comment