Na parang kanser
Ang pagkalat ay matulin
Kaya't agad dapat putulin
Ngunit nasubukan ba nilang
Huminto sandali,
Para pagmasdan
Ang taglay nitong kagandahan?
Oo nga pala,
Hindi sapat
Ang nakikita ng mga mata mo
At hindi dapat
Gawing batayan ang panlabas na anyo
Kung ang presensya naman nito'y
Magdudulot ng problema,
Marahil ay sapat na
Na ito'y nasilayan at napagmasdan
Uulan, aaraw, at hahangin
Hayaan mo lang na ika'y tangayin
Tayo'y magkikita't magkikita pa rin
Ang iyong pagbabalik ay aking hihintayin
Tridax procumbens, Coatbuttons or Tridax daisy
- known as a widespread weed or pest plant
No comments:
Post a Comment