Natuto akong maghintay
At maghinay-hinay
Natutunan kong sumabay
Sa daloy at agos ng buhay
Nang hindi nagaalala
O nangangamba
Natutunan ko na pwede pala na
Huminga at magpahinga sandali
At hindi magmadali
Naiintindihan ko na
Na darating at darating rin
Sa tamang panahon
Kung ano man
Ang sa akin ay nakalaan
Natutuhan ko ring magmahal
Nang walang inaasahang kapalit
Naiintindihan ko na
Na ang pag ibig
Ay hindi lamang puro saya at sarap
Maibubuhos mo rito ang lahat ng klaseng emosyon
Dito'y may saya, lungkot, inis at gigil,
Dito'y may saya, lungkot, inis at gigil,
Mayroong tamis, alat, asim, anghang at pait
Kailangan ng balanse
Kailangang timplahin
Hanggang makuha mo
Ang swak sa inyong panlasa
Naroon ang sarap sa proseso
Kailangan ng balanse
Kailangang timplahin
Hanggang makuha mo
Ang swak sa inyong panlasa
Naroon ang sarap sa proseso
At higit sa lahat ay
Natutunan kong huwag ibuhos
Ang lahat ng pagmamahal
At ubusin sa iba
Mamahalin ko muna ang aking sarili
Bago ko ipamamahagi ang natitira
Kaya't salamat sa iyo,
Ang lahat ng pagmamahal
At ubusin sa iba
Mamahalin ko muna ang aking sarili
Bago ko ipamamahagi ang natitira
Kaya't salamat sa iyo,
Natuto ako
No comments:
Post a Comment