Sunday, July 16, 2023

Saan Ka Papunta? Tara, Sabay Tayo!

Marami pa akong gustong gawin,
At mga pangarap na nais abutin
Ngunit wala akong ideya
Kung gaano kalayo
Mula sa kinaroroonan ko ngayon
Ang destinasyon na minimithing marating

Pero malamang ay marami pa
Ang mga lubak na madaraanan
At mga bagyong susuungin,
Mga luhang papatak,
At marami-rami pang pananalangin

Pero magpapatuloy lang sa paglakad
Tuloy lang sa paglaban
Sa mga hamon ng buhay
Hanggang sa magtagumpay

Kung hindi ka nagmamadali,
At balak mo ring namnamin
Ang agos ng buhay
Tara, sabay tayo sa pag lakbay!

No comments:

Post a Comment