Matalino, mabait
At mahaba ang pasensyaIyan ang sabi ko
At ang sabi nila tungkol sa'yo
Ngunit nais kong makita ang iba pa,
Kung paano ka magalit, malungkot at matuwa
Dahil gusto kong makilala ka,
Gusto kong makasama ka sa mga oras na iyon
At matunghayan ang lahat ng iyong emosyon
At gagawin ko ang lahat
Para ikaw ay patahanin
Magiisip ng mga biro
Para ikaw ay patawanin
At sa lahat ng pagkakataon
Ikaw ay mamahalin
Aawitan kita ng paborito mong kanta
At babasahan ng mga tula
Mga tulang naisulat ko dahil sayo
Pero bago ang lahat,
Gusto kong makilala ka
Gusto kong malaman ang nilalaman
Ng iyong puso pati na ng isipan
Dahil importante na malaman ko
Kung sino ang totoong ikaw
Nang sa gayon ay maging malinaw
Na totoong mahal kita
At hindi ang ideya sa kung sino ka
Kung sakaling ako rin ay iibigin mo,
Sana ay buong buo
Ang buong pagkatao ko
Hindi ang narating ko
O ang panlabas kong anyo
Mahalin mo ang aking puso't kaluluwa
At asahan mong susuklian ko iyon, sinta
No comments:
Post a Comment