Hindi naman tumigil sa pag ikot ang mundo,
Ni ang oras
sa pag takbo nito,
Ngunit ang
puso at isipan,
Ay tila naiwan
sa nakaraan.
Bakit hindi
mapigilan o maiwasan,
At pilit
binabalikan?
Ang mga
ala-ala,
Hindi
mawala-wala.
Lungkot ay
hindi maibsan,
Patuloy pa
ring nasasaktan.
Hindi ko
naman balak na manatili rito,
Ngunit
hayaan muna sana ninyo,
Na aking
dahan dahanin,
Ang pag
buhos ng aking damdamin.
Pangako, ito
ay matatapos,
Nang hindi
ako nauupos.
Hindi ko
hahayaang ako’y maubos.
At pangako, ako'y magmamahal pa rin ng lubos,
Ng mga tao, hayop at kung ano pa man,
Magpakailanman.
No comments:
Post a Comment