Thursday, June 20, 2024

Panahon

Mainit pa rin kahit tag-ulan
Gustuhin ma'ng makatipid sa kuryente
At makatulong sa kalikasan
Magkakasakit ka naman

Kung sa bagay, ganoon rin naman ako
At ang pagtingin ko sa'yo
Hindi nagpatinag, hindi nagbabago,
Kahit na ang panahon ay tumatakbo
Bagkos ay lalo pa yatang lumalim
Nang napagtantong totoo nga
Na mahal kita

Naghilom na ang sugat
Nawala ang galit
Pero ang pag-ibig ay nananatili
At hindi na kailanman ikukubli

No comments:

Post a Comment