Tuesday, August 29, 2017

Nandito na Ako

Takpan ang tenga, ipikit ang mga mata
Nandito na ako para yakapin ka
Malakas ang kulog, matindi ang kidlat
Kakantahan kita, wag munang dumilat

Mahal, halika, huwag ka nang matakot
Tumahan na at huwag ka nang malungkot
Pagkat nandito na ako at hindi kita iiwan
Hanggang sa pagising mo, ika'y babantayan

Sasabayan ko ang kulog sa pagkanta
Susundan ka saan ka man magpunta
Dahil walang kuryente at takot ka sa dilim
Buong magdamag kitang yayakapin




No comments:

Post a Comment